UMAPELA si PDP Laban Senate bet #22 Senator Ronald “Bato” Dela Rosa sa kaniyang mga taga-suporta pati na rin sa mga taga-suporta ng kanyang mga kaalyado, na umiwas sa dahas at ‘wag na gumawa ng gulo.
Kaniya itong sambit matapos sunod-sunod na atakihin at gipitin ng kasalukuyang administrasyon sa mga katunggali nito sa politika.
“Sa ating mga kababayan, I would just like to appeal for your sobriety. I hope huwag kayong gumawa ng dahas. Iwasan natin ang violence. Dahil ‘pag nagkagulo ang ating bansa, tayo rin ang apektado. Tayo mismo, mga mahirap, ang apektado,” ani ng senador.
“Alam kong very much frustrated na kayo. Very much galit na galit na kayo. But still, kalma lang tayo. Idaan na lang natin ito sa legal na pamamaraan,” dagdag pa niya.
Follow SMNI News on Rumble