Sen. Bato, umapela sa PNP na ibalik ang mga taga-Davao na security ni VP Sara

Sen. Bato, umapela sa PNP na ibalik ang mga taga-Davao na security ni VP Sara

PERSONAL nang nakiusap si Sen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa kay Philippine National Police (PNP) Chief Rommel Marbil na bigyan ng kalayaan si Vice President Sara Duterte na pumili ng nais nitong security personnel kapalit ng kaniyang kaligtasan at seguridad ng kaniyang pamilya.

Kasunod ito sa ginawang desisyon ni Marbil nang tanggalan ang bise presidente ng 75 security details kung saan karamihan sa mga ito ay matagal nang nagsisilbi sa mga Duterte.

Bagay na nagreklamo rito ang pangalawang pangulo dahil na rin sa kawalan ng kortesiya sa kaniya at ilan pang kasinungalingang ginawa ng PNP sa kaniyang opisina gaya ng kawalan umano ng namo-monitor na banta sa buhay ni VP Sara at kakulangan ng pulis sa Metro Manila ang dahilan ng pagtatanggal sa kaniya ng security.

Ayon kay Sen. Dela Rosa, naiintindihan niya na mahalagang ang mismong bise presidente ang pipili ng kaniyang security detail dahil ito mismo ay nakakaalam na hindi siya magkakaproblema sa kaniyang kaligtasan mula sa mga taong kaniyang pinagkakatiwalaan.

“Pag ‘yan ay naambush ng NPA at nagsipagtakbuhan ang mga security niya, nakakahiya tayo. Pero kung ‘yung ibalik mo ‘yung mga taga-Davao na talagang makipagpatayan sa kaniya, ‘yung mga lokal,” ani Sen. Ronald dela Rosa, Chairman, Senate Committee on Public Safety and Order.

Sagot lang ni Marbil, kung may pangangailangan naman ang pangalawang pangulo ay maaari naman aniya silang magbigay ng karagdagang security.

Ngunit ang tanong, bakit kailangan pang bawasan ng security si VP Sara? Kasabay ng paninindigan na wala umanong banta sa buhay ng bise president.

“Are you sure na wala siyang threat sa buhay niya?” tanong ni Sen. Dela Rosa sa hepe.

“Sir, ang may hawak po ng security ng Vice President, Presidential Security Command. It was issued on July 9, the security of the President and VP lies on the Presidential Security Command and we will not stop po, if General Morales and the PSG ask for more personnel then we will give po,” sagot naman ni Marbil.

Sa huli, hindi pa rin kumbinsido si Sen. Dela Rosa na imposible aniyang walang banta sa buhay ni VP Sara gayong hindi basta-basta ang mga nilalabanan nito sa gobyerno kabilang na ang CPP-NPA-NDF.

Matatandaang, prayoridad noon ni VP Sara bilang kalihim ng Department of Education (DepEd) ang paglaban sa laganap na recruitment ng CPP-NPA-NDF sa mga paaralan at mailayo ang mga ito sa impluwensiya ng pagiging isang rebelde sa pamahalaan.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble