BINATIKOS ni Sen. Bong Go ang PhilHealth sa kawalan ng maayos na paggamit ng pondo, dahilan aniya kung bakit na-zero budget ito sa 2025.
“Kung noon pa lang pinaganda nyo na ang mga benepisyo ng PhilHealth, hindi kayo magkaka-excess funds—hindi kayo maze-zero budget! Pinatulog nyo ang pondo, eh!” giit ni Sen. Bong Go.
Bagaman nagpapasalamat si Sen. Bong Go sa PhilHealth dahil tinutupad na nito ang ilang pangakong improvement sa benefit packages, hindi maiwasan ng senador na ibunton ang sisi sa ahensiya kung bakit ZERO BUDGET ito sa 2025.
Ani Go, kung maagap lang sana ang PhilHealth sa paggamit ng pondo para mapakinabangan ng mga mahihirap na pasyente, hindi hahantong sa ganitong sitwasyon ang PhilHealth funds.
Nauna nang sinabi ni Sen. Go ang pangamba nito.
“Pilipino ang kawawa sa ZERO BUDGET ng PhilHealth para sa susunod na taon,” ayon pa kay Sen. Bong Go.