Sen. Bong Go, nagdiwang ng kaarawan kasama ang mga batang may cancer

Sen. Bong Go, nagdiwang ng kaarawan kasama ang mga batang may cancer

BILANG bahagi sa selebrasyon ay pinili ni Sen. Bong Go na ipagdiwang ang kaniyang kaarawan kasama ang mga batang may cancer at ang pag-inspeksiyon sa Malasakit Center sa Quezon City.

Tulad ng nakagawian, noong executive assistant pa lang siya ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, at kahit pa noong alkalde pa lang ito ng Davao City, mas pinili ni Sen. Bong Go na makasama ang mga nangangailangan imbes na mag-celebrate sa kaniyang kaarawan.

Nitong Miyerkules, nagtungo si Go sa Philippine Children’s Medical Center (PCMC) sa Quezon City para muling makasalamuha ang mga batang may cancer na tinutulungan na ng senador mula pa noong siya’y Special Assistant to the President pa.

Isinabay na ni Go noon ang pag-inspeksiyon sa 51st Malasakit Center na nasa PCMC. May 165 Malasakit Centers na ngayon sa buong bansa at umaabot na sa 10 milyong Pilipino ang natulungan na nito, ayon mismo sa Department of Health (DOH).

Ikinatuwa ni Go na tuluy-tuloy pa rin ang operasyon ng Malasakit Center sa PCMC, ilang taon mula nang maitatag ito.

Labis naman ang tuwa ng senador nang malamang may inihanda pa lang children’s party ang mga pasyente ng PCMC na karamihan ay may malulubhang sakit gaya ng kanser.

Naging emosyonal naman ang pagdiriwang nang magbigay na ng mensahe ng pasasalamat ang mga bata para sa naitulong sa kanila ni Go.

Kapansin-pansin ang pagkaantig sa damdamin ng mga taong dumalo sa children’s party lalo na’t galing sa mga bata ang mga sinambit na mensahe.

Dear kuya Bong Go, alam po namin na very special ang araw na ito sayo. Salamat po kasi mas pinili n’yo na mag-celebrate kasama kami. Wala man po kaming naihandang regalo, sana po ay mapasaya pa rin namin kayo.”

“Magpe-pray po kami para sa inyo. And ipag-pray n’yo rin po kami na sana alisin na ni Lord ang sakit namin. Para next year, magkakasama po tayo ulit.”

“Ang dami niyo pong napupuntahan, ang dami niyo pong taong natutulungan. Kami naman po, pabalik-balik naman sa ospital… Pero promise po, magpapagaling po kami… Para kami naman po ang tutulong sa ibang mga bata,” mga mensahe ng mga batang may cancer.

“Ang dapat niyong pasalamatan sa araw na ito ay hindi po ako.  Pasalamatan po natin ang ating mga front liners at doctors na nag-asikaso po sa ating lahat. Hindi po ako magsasawang mag serbisyo sa inyong lahat, lalo na sa mga pasyenteng nangangailangan ng tulong. Tulungan po natin sila,” wika ni Sen. Bong Go.

Si Go ang pangunahing nagsulong para maisabatas ang Malasakit centers. Siya ang kasalukuyang chairman ng Senate Committee on Health.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble