Sen. Bong Go, naghatid ng tulong sa ilang carabao owners sa Escalante City

Sen. Bong Go, naghatid ng tulong sa ilang carabao owners sa Escalante City

DOBLENG saya ang nararamdaman ng carabao owners sa pagbisita ni Senator Bong Go sa kanilang pagtitipon sa pagdiriwang ng 25th Manlambus Festival sa Escalante City matapos na makatanggap sila ng tulong na magagamit sa kanilang pangkabuhayan mula sa senador.

Kasama ang outreach team ng Sen. Go, namahagi ito ng tulong sa 2,000 na benepisyaryo ng Escalante na binubuo ng mga mangingisda, trisikad at tricycle drivers, solo parents, PWDs at mga senior citizens na nakatanggap ng mga food packs, vitamins, face masks, t-shirts at pagkain.

Ilan din sa kanila ay nakatanggap ng pares ng sapatos, cellphones, bisikleta at mga bola sa kanilang libangan na basketball at volleyball.

“Gusto ko pong makiisa sa inyo sa pagdiriwang ng Manlambus Festival. Makapag iwan po ng kunting ngiti sa panahon ng pagdadalamhati ng mga kababayan natin,” ayon kay Sen. Bong Go

Bilang chairman ng Committee on Health ng Senado, layunin ni Sen. Go na makatulong sa mamamayan lalong-lalo na sa mga poor and indigent patients.

Nagpahayag naman si Go sa issue patungkol sa drug war ng Duterte administration, aniya ang Pilipino ang dapat na humusga kung mas naging mabuti ba ang proteksiyon ng mga kabataan noon sa ngayon lalo na sa gabi na hindi nababastos at nasasaktan.

“At tungkol naman po kay dating Pangulong Duterte. Ginawa po yun ni dating Pangulong Duterte para po sa ating mga anak at kinabukasan ng ating mga anak,” saan ni Go.

Pinaaalahanan din ni Sen. Bong Go ang mga mamamayan na magsuot pa rin ng face mask at panatilihin ang seguridad ng bawat isa laban sa masamang dulot ng pandemya.

Follow SMNI NEWS in Twitter