Sen. Bong Go naghayag ng pagkalungkot para sa nalalapit na kaarawan ni FPRRD

Sen. Bong Go naghayag ng pagkalungkot para sa nalalapit na kaarawan ni FPRRD

LUBOS na pagkalungkot ang nararamdaman ni Sen. Bong Go ngayong papalapit na ang kaarawan ni Dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ibinahagi ni Go na 24 taon niyang nakasama si Duterte sa pagdiriwang ng kaarawan dito sa Pilipinas, ngunit nitong taon ay imposible itong mangyari.

Inalala ni Go na sa mga araw na iyon, ipinagdiriwang ni Duterte ang kanyang kaarawan sa pamamagitan ng pagtulong sa mga lubos na nangangailangan.

“First birthday niya na mapalayo sa ‘ting lahat. Simple lang po mag-birthday si Tatay Digong, nasa bahay lang ‘yun. Walang party. Kahit anong ulam lang po, monggo, bulad,” ayon kay Sen. Christopher “Bong” Go – Republic of the Philippines.

Nalulungkot si Go dahil hindi aniya nito makikitang kapiling ng Pangulo ang sambayanan para sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan sa Marso 28.

“Mas ninanais po niyang magpakain sa mga cancer patients o sa mga home for the aged o mga matatanda. Nalala ko pa nung mayor pa siya, sa isang relocation site… Mga illegal settlers pinakain namin. Dun siya nagpakain ng cake sa mga kababayan nating mga mahihirap,” dagdag ni Sen. Go.

Sa kabila nito, tiniyak naman ni Go na kahit wala ang dating Pangulo sa bansa, ay magpapatuloy pa rin ang kanilang nakagawian na magpakain sa mga cancer patients.

Sen. Go, nagpasalamat sa naguumapaw na suporta ng mga Pilipino kay FPRRD

Kaugnay rito, nagpasalamat naman si Senador Go sa patuloy na pagbuhos ng mga suporta para kay FPRRD.

Sa social media, iba’t ibang lugar sa loob at labas ng Pilipinas ang naghayag na magsasagawa sila ng iba’t ibang aktibidad upang makibahagi at ipagdiwang ang kaarawan ni Duterte, na kasalukuyang nakakulong sa The Hague, Netherlands.

“Maraming salamat po. Jan natin nakikita na nagkakaisa ang mga Pilipino kahit saan mang sulok ng mundo. Kita nyo ang mga OFW bumibyahe papuntang Netherlands. Nagkakaisa sila at nagdarasal para kay Digong. Maraming salamat sa patuloy ninyong suporta. Kung naririnig lang kayo ni Tatay Digong, lalakas ang loob nun,” aniya.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble