Sen. Bong Go, naging abala sa pamamahagi ng ayuda nitong kapaskuhan

Sen. Bong Go, naging abala sa pamamahagi ng ayuda nitong kapaskuhan

NAG-IKOT muli si Senator Christopher Bong Go ngayong Kapaskuhan sa Davao City para magbigay ng ayuda at magpapaalala sa kahalagan ng vaccination drive na ginagawa ng pamahalaan.

Binisita ng senador ang mga pasyente ng Southern Philippines Medical Center (SPMC) at doon na rin nagdiwang ng pasko.

Ito ay taon-taon ng ginagawa ni Go kapag sasapit ang Kapaskuhan.

Namahagi ang senador ng food packs, medisina at facemask sa mahigit 100 indibidwal, 94 hospital watchers at 13 vendors.

“Hindi man ako tumuloy sa pagtakbo, nandito pa rin ako handang magserbisyo. Hindi namin sasayangin ang pagkakataon na binigay niyo sa amin. Ibabalik namin sa inyo ang serbisyo na para sa inyong lahat,” saad ni Go.

Ang ibang benepisyaryo naman ay nakatanggap ng bagong pares ng sapatos, bisekleta, computer tablets na magagamit sa blended learning ng mga mag aaral.

Kasabay ng pamamahagi ng tulong ay muling ipinalala ni Go, na siya ring chairman ng Senate Committee on Health, ang kahalagahan ng pagbabakuna kontra COVID 19 para makabalik na sa normal ang bansa.

Aniya ang isang fully vacinnated ay maaaring makaiwas sa malalang panganib ng virus at makatutulong para makamit ng bansa ang herd immunity.

“Huwag kayong matakot dahil ang bakuna ang tanging susi upang tayo ay unti-unting makabalik sa ating normal na pamumuhay. Ang hirap ng sitwasyon noon dahil naka-quarantine tayo. Pero ngayon, kaunti na lang ang bilang ng mga kaso dahil marami na mga bakunado,” saysay ng senador.

Patuloy din itong nagpalala na lumapit sa Malasakit Centers para sila ay matulungan para sa kanilang medical problems.

Noong December 23 ay naghatid din ng ayuda ang senador sa 500 solo parents at senior citizen sa Brgy. Tigatto.

Nagkaroon din ng distribusyon ng ayuda ang senador sa barangay Vicente Hizon Sr. at Panacan noong December 21 at 20.

SMNI NEWS