NAGLABAS ng hinaing si Senator Bong Go sa pagdinig ng Senado na pinangunahan ni Senadora Imee Marcos kaugnay sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
“Sabi nga ng nakararami too late the hero. Kaya kung ano man lumabas sa hearing na ito si dating pangulong Rodrigo Duterte ay ngayon nasa the Hague the Netherlands na po. Ano pa ang pwedeng magawa?” ayon kay Sen. Bong Go
“Walang problema sa akin mag-hearing kahit araw-araw pero ang tanong maibabalik nyo pa ba si Tatay Digong? yan ang tinatawag ko na too late the hero,” saad nito.