NAMAHAGI ng tulong sa kapwa Batangueño si Senator Christopher ‘Bong’ Go.
Namahagi ng tulong si Sen. Bong Go sa mga residente sa bayan ng San Nicolas at Tanauan City, Batangas na siyang pinanggalingan ng senador.
Ang tulong-pinansiyal at grocery packs ay sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program ng gobyerno.
Mahigit 1-K na benepisyaryo ang nakatanggap ng tulong-pinansiyal at grocery packs, face mask, snacks, shirts, vitamins, at may ilan ding nakatanggap ng tungkod, wheel chair, bisikleta, sapatos, relo, cellphone, at bolang pang basketball at volleyball mula kay Sen. Go.
Dumalo rin sa nasabing aktibidad sina Congresswoman Ma. Theresa ‘Maitet’ Collantes, Atty. King Collantes, Atty. Cristine Collantes, Deparment of Social Welfare Development (DSWD), miyembro ng Sangguniang Panglungsod ng Tanauan, at iba pang opisyales ng gobyerno.
Sa naging panayam sa butihing senador bilang Chairman on Committee on Health, nagbigay ito ng reaksiyon patungkol sa clean air advocacy ng World Health Organization (WHO) na kailangan matutukan sa Pilipinas dahil maaaring makakuha ng sakit ang mga Pilipino mula sa maruming hangin.
“Mayroon na po tayong batas na iyon pong Clean Air Act, ‘yung Republic Act 8749 na nagbibigay mandato sa ating DENR to implement standard quality on air base on the WHO standard. Air pollution is just like any other pollution, it is a serious health concern. Ako po bilang Chairman on Committee on Health, importante sa akin ang buhay at kalusugan ng mga Pilipino, buhay at kalusugan ng bawat Pilipino. Alam niyo maraming sakit ang nakukuha sa paglanghap ng maruming hangin tulad ng ubo, TB, pneumonia, asthma, at lung cancer lalo na ‘yun mahihirap nating mga kababayan na expose. Sa kalye po natutulog ‘yung nalalanghap nila ‘yung maruming hangin,” ayon kay Sen. Bong Go.
Maliban dito, nagbigay rin ng pahayag ang senador patungkol sa krimen kaugnay sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) na kung naaapektuhan ang peace and order ng bansa at ang mga Pilipino ay umalis na lamang ang mga ito.
“Ang previous position ko diyan tingnan ‘yung causes at benefit, kung ano ba, makabubuti ba ito, ang epekto nito, ano ang maitutulong sa gobyerno, ano naman po ang magiging, alam niyo epekto nito sa peace and order. Mas importante po sa akin ‘yung peace and order, kung sila po ‘yung nag hahasik ng lagim dito at apektado po ang Pilipino. Mas mabuting umalis na lang po sila dito. Ibig kong sabihin kung mayroong nasasaktang Pilipino ay puwede na silang umalis. Mas importante sa akin ang peace and order, mas marami pong Pilipino ang mabuhay nang tahimik, nag nenegosyo sila rito tapos apektado naman ‘yung peace and order kung Pilipino ‘yung nasasaktan, umalis na po sila dito. So, pabor po ako na kung sakali i-ban po sila, kung saka-sakaling naco-compromise na po ang peace and order ng ating mga kababayan,” dagdag ni Go.
Sa huli, nagpaabot ng pasasalamat ang mga benepisyaryong nakatanggap ng tulong mula sa butihing senador.
“Maraming salamat po kay Senator Bong Go saka kay nagbigay ng grocery tsaka kay Congresswoman Maitet Collantes.”
“Ako po ay lubos na nagpapasalamat sa natanggap ko pong biyaya, napakabait po ni Congresswoman Maitet Collantes at ng kaniyang pamilya at ni Bong Go, maraming maraming salamat po.”
“Maraming-maraming salamat po Senator Bong Go sa mga natanggap namin. Sa aming lahat, salamat po. Nagbigay din ng pasasalamat si Congresswoman Collantes.”
“Ngayon pong umaga una muna ay ang aming pasasalamat, pasasalamat po ng buong distrito kay Senator Bong Go sa patuloy na pagtulong at pagsuporta sa ating mga kababayan, panahon pa po ng pandemya, panahon din po ng Bulkang Taal hanggang sa kasalukuyan, patuloy pa rin po ang inyong pagtulong. Maraming salamat po at huwag po kayong manghihinayang bumalik–balik sa aming probinsiya. Sa aming distrito, at sa aming pong lungsod ng Tanauan,” ayon kay Cong. Ma. Theressa Collantes.