NAKATANGGAP ng tulong-pinansiyal at grocery packs ang mga residente ng Nagcarlan, Laguna sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng gobyerno nitong Martes, Hunyo 20.
Bukod kay Sen. Go, dumalo sa nasabing event sina Congressman Amben Amante, Congressman Ruth Mariano Hernandez, Governor Ramil Hernandez, Mayor Elmor Vita, Vice Mayor Rexon Arevalo, mga konsehal at iba pang opisyales ng gobyerno.
Maliban sa tinanggap na tulong-pinansiyal at grocery packs, nakatanggap din ng vitamins, face mask at may ilan ding nakatanggap ng bisikleta, cellphones, sapatos, bolang pang basketball at volleyball.
Sa kaparehong araw ay pinangunahan ni Go ang pormal na pagbubukas ng pamilihang bayan sa lungsod ng Nagcarlan.
Ito ay makatutulong sa ilang residente ng bayan upang makapagsimula ng kanilang sariling negosyo tulad ng pagbebenta ng gulay, prutas at iba pa.
Sa isang panayam kay Myra Aguilar Mangampo, isang tindera sa prutasan, nagustuhan niya ang bagong palengke dahil ito ay malinis at nagkaroon ng sistema.
Samantala, sa isang panayam naman kay Go, sinabi nitong hinihintay na lamang ang pirma ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. upang maisabatas ang isinusulong na Regional Health Center.
Nagbigay rin ng pahayag si Go sa mga ospital na hindi tumatanggap ng pasyente na walang pambayad.
“Alam ‘nyo meron na tayong existing law…sa mga bagay na yan, sa mga reklamong yan,” tugon nito.