PINANGUNAHAN ni Senator Christopher ‘Bong’ Go ang pamamahagi ng tulong sa mga mahihirap na residente ng Tarlac kabilang na ang mga person with disabilities, at market vendors.
Laking tuwa at saya ng mga Tarlaqueños na personal silang binisita ng butihing senador at personal ding binigyan ng tulong.
Karamihan din sa mga may kapansanan na dumalo sa pamamahagi ng tulong ay sinagot na ng senador ang gastusin mula sa ospital, operasyon, gamot, at transportasyon.
“Masakit ang dibdib ko na may naririnig ako na ayaw pong magpa hospital ang mga kababayan natin dahil takot sa babayaran sa hospital. Wag ho kayong ganon, pangalagaan po natin ang nag iisang buhay na ibinigay sa atin ng Panginoon, tutulungan po namin kayo sa abot ng aming makakaya,” saad ni Sen. Bong Go.
Unang namahagi ng tulong si Sen. Go sa Bulwagang Kanlahi ng Diwa ng Tarlac kung saan higit isang libong mga residente na mahihirap, PWDs at mga market vendors ang dumalo na pinamahagian nito ng mga grocery items, vitamins, tulong-pinansiyal at marami pang iba.
Sunod nito ay nagtungo naman ang senador sa Concepcion, Tarlac upang bigyan ng tulong ang ilang biktima ng nagdaang Bagyong Karding at mga mag-aaral mula sa Tarlac State University.
Hinikayat din ng butihing senador na pumunta lamang sa mga Malasakit Center ang mga residente kung kailangan nila ng tulong pagdating sa usaping pangkalusugan dahil inihanda talaga ito ng senador para sa mga kapos-palad na mga Pilipino.
Matapos ang pamamahagi ng tulong ay sinaksihan din ni Sen. Bong Go ang groundbreaking ceremony ng itatayong Super Health Center sa munisipalidad ng Concepcion.
Sa ngayon ay magkakaroon na ng 14 na Super Health Centers ang buong probinsya ng Tarlac at mas mailalapit na ang serbisyong medikal ng pamahalaan sa mga mamamayan, lalo na ang mga nasa liblib na lugar.
Malaki naman ang pasasalamat nina Tarlac Governor Susan Yap at iba pang opisyal sa pagbisita ng senador at umaasa na marami pa itong matutulungan na mga Pilipino.
Samantala, nirerespeto naman ni Go ang isyu ngayon sa Senado ukol sa pagiging maingay umano at kawalan ng proper decorum sa plenary at sinabing isa itong “productive energy” sa pagitan ng mga miyembro ng 19th Congress.