Sen. Bong Go, nangakong marami pang bubuksan na super health centers

Sen. Bong Go, nangakong marami pang bubuksan na super health centers

NANGAKO si Senator Christopher Lawrence “Bong” Go na mas maraming pampublikong pasilidad sa kalusugan sa buong bansa ang bubuksan.

Ayon kay Go, layon nitong maging accessible ang serbisyong-medikal ng gobyerno sa mga kababayan, lalo na sa mga rural na lugar na higit na nangangailangan ng serbisyo.

Aniya ang mga serbisyong inaalok sa super health centers ay kinabibilangan ng database management, out-patient, panganganak, isolation, diagnostic pharmacy, at ambulatory surgical unit.

Samantala sinabi ni Go, layon ng gobyerno na magtayo ng karagdagang super health centers ngayong taon sa mahigit 300 na lugar sa bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter