NGAYONG Lunes, a-sais ng Enero, ay pinangunahan ni Senador Bong Go kasama ang ilang opisyal ng lokal na pamahalaan ng Plaridel ang pagbubukas ng nasabing center.
Ayon kay Go ang nasabing center ay malaking tulong para matugunan ang medikal na pangangailangan ng mga taga-Plaridel at mga karatig-bayan.
“Naimbitahan po ako dito ni mayora noong ground breaking at masaya po ako na tapos na. Ngayong araw na ito ay may napili na mga indigents na bibigyan ng tulong, sabi ko babalik talaga ako jan sa plaridel makatulong man lang,” ayon kay Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go.
Sa pamamagitan ng Super Health Center ay di na kailangan pang bumiyahe papunta sa mga malalaking ospital sa rehiyon para lamang magpa-checkup.
Inaasahan na magkakaroon din ito ng mas malawak na serbisyo medikal mula primary care, medical consultation, at diagnostic services tulad ng x-ray at iba pa.