SUPORTADO ni Sen. Christopher “Bong” Go ang proposed 2023 budget ng Department of National Defense (DND).
Ayon sa senador, malaki ang papel ng military at iba pang uniformed personnel para sa pagpapanatili ng kapayapaan, national security at development kung kaya’t nararapat lang na bigyan ito ng pondong sasapat para sa kanilang tungkulin.
Kasabay nito ay hinikayat ni Sen. Go ang pamahalaan na naibibigay nang maayos ang mga ipinangako na programa at ayuda para sa mga dating rebeldeng nagbalik-loob na.
Suhestiyon pa ni Sen. Go, ilagay na lang ang mga programa para sa mga dating rebelde sa ilalim ng DND o Department of the Interior and Local Government (DILG).