SUPORTADO ni Senador Christopher “Bong” Go ang Senate Bill No. 1290 o ang Safe Pathways Act na naglalayon na magtayo ng ligtas na road network gaya ng bicycle lanes, walkways at iba pa sa buong bansa.
Naihirit pa ni Go na ang pagbibisikleta ay isa sa pinakamagaan na anyo ng transportasyon sa ating bansa lalo ngayong mataas ang presyo ng langis at pamasahe.
Sa katunayan, kapag may outreach ang kanilang opisina ay namimigay ito ng bike sa ating mga kababayan.
Samantala, paalala naman ni Go sa bikers na mag-ingat at kahit bisikleta ang gamit ay sumunod pa rin sa mga batas na ipinapatupad.