Sen. Bong Revilla Jr., isinugod sa ospital dahil sa pneumonia

Sen. Bong Revilla Jr., isinugod sa ospital dahil sa pneumonia

ISINUGOD sa ospital si Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr.  ngayong hapon ayon sa kanyang maybahay na si Bacoor City Mayor Lani Revilla.

Sa isang Facebook post sinabi ni Mayor Lani na lumalabas sa x-ray na may pneumonia ang senador at nangangailangan ng mas matinding medical attention.

Father God pls help my husband. He is being rushed to the hospital. His latest X-ray shows that he has developed…

Posted by Lani M. Revilla on Tuesday, August 18, 2020

 

Humiling naman ng dasal si Mayor Lani Mercado-Revilla para sa kanyang asawa.

Magugunitang Agosto 9 nang aminin ng senador ang pagpositibo niya sa COVID-19.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.