Sen. Cayetano, nagdiwang ng kaarawan kasama ang mga persons deprived with liberty sa BJMP

Sen. Cayetano, nagdiwang ng kaarawan kasama ang mga persons deprived with liberty sa BJMP

BILANG bahagi sa pagdiriwang ng kanyang ika-52 kaarawan ay napili ni Senador Alan Peter Cayetano na gawin ang selebrasyon kasama ang mga persons deprived with liberty (PDL).

Kahapon ay kasama ng senador ang mga PDL sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Bicutan, Taguig.

Sinabi ni Cayetano na masaya itong ipinagdiwang ang kaarawan kasama ang mga PDLs kung saan kasama nito ang maybahay na si Taguig Mayor Lani Cayetano kasama si Taguig 1st District Rep. Ricardo “Ading” Cruz, nang bumisita sa BJMP.

 “Pangalawa kailangan nakapalibot sayo puno ng pag-asa. Dito po ba sa Taguig City Jail puno ng pag-asa? Sa BJMP ba puno ba ng pag-asa? Mukhang pwede nga akong tumambay dito chief,” sabi ni Cayetano.

Hinikayat  ang mga bilanggo o  PDL na nakapiit sa Taguig City Jail sa loob ng Camp Bagong Diwa sa lungsod ng Taguig na magsumbong kung mayroon gun for hire syndicate sa loob ng bilangguan.

Ginawa ni Cayetano ang pahayag sa kanyang pagbisita sa naturang bilangguan kasabay ng National Correctional Consciousness Week at ng kanyang kaarawan para makapagbigay ng tulong sa mga bilanggo.

Payo ni Senador Cayetano sa mga PDLs na agad na isumbong kung mayroon sindikato sa loob ng kulungan na kahit nakakulong na nakakapag-operate pa sa labas tulad ng gun for hire at illegal drugs.

“Kung may masamang nangyayari hindi po masamang magsumbong sa kinauukulan. Hindi na po tayo mga bata. Eh malamang po eh ‘yung hindi mo sinumbong na bestfriend mo patay na sa lung cancer pag 70 or 80 na pero pag sinumbong mo at nagbago malamang buhay pa sya. Baka ‘yung nakita mong tabletas pa lang ang tinitira ay hindi mo sinumbong naging marijuana hanggnag umabot ng shabu hanggang nakapaty o sya mismo ang napatay …. ang magsabi ng totoo ay kailanman hindi magiging kasalanan,”pahayag ng senador.

Ang pahayag ni Cayetano ay kasunod ng pagpatay kay Percy Lapid kung saan nanggaling sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) ang nag-utos na paslangin ang mamahayag.

Follow SMNI News on Twitter