Sen. Cynthia Villar, kinilala ang YWCA at ang ‘inspiring’ nitong paglalakbay

Sen. Cynthia Villar, kinilala ang YWCA at ang ‘inspiring’ nitong paglalakbay

IPINAHAYAG ni Senator Cynthia Villar na nangunguna ang mga kababaihan sa kaniyang 3,000 community-based livelihood projects para madagdagan ang kita ng pamilya.

Kabilang sa mga proyektong ito ang water lily handicraft-weaving enterprise, handmade paper factory, coconet-weaving enterprise, charcoal-making factory, organic fertilizer production, waste plastic recycling factories na gumagawa ng school chairs, bamboo processing, at agricultural programs sa farm tourism facilities at  farm schools.

Binigyan-diin ni Villar na suportado niya ang YWCA sa adbokasiyang women empowerment, partikular ang nasa marginalized sector.

“The insight is clear: when we uplift women, we elevate families, strengthen societies, and nurture future leaders essential to nation-building,” ani Villar.

Sa 75th Anniversary ng Young Women’s Christian Association of the Philippines (YWCA), sinabi ng senador na sa ngayon, ang women empowerment ay hindi lamang nangangahulugan ng pangangalaga sa kanila laban sa karahasan at iba pang uri ng pang-aabuso.

Kabilang din dito ang pagbibigay sa kanila ng pagkakataong kumita.

“Women are also vital contributors to economic growth. Empowered women augment their family’s income, put food on the table, and play significant roles in raising and educating their children,” sabi ni Villar.

“And these well-bred and educated children will then become the future assets of our nation,” dagdag pa niya.

Binanggit din niya ang YWCA’s Vision-Mission na mapabuti ang buhay ng kababaihan, pag-aalaga sa holistic leaders, pagsusulong sa Christian service, at pagtataguyod sa kinabukasan sa pamamagitan ng malakas na partnership.

Sinabi ni Villar na testamento ito sa transformative efforts ng YWCA.

“As you celebrate your 75th anniversary, let us put a spotlight on the dedication, hard work, and the core values that YWCA has championed,” giit niya.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble