Sen. Cynthia Villar, nais palakasin ang paglago ng LPD sector para sa food security

Sen. Cynthia Villar, nais palakasin ang paglago ng LPD sector para sa food security

UPANG tiyakin ang food security ng bansa, isinusulong ni Senator Cynthia Villar ang pag-unlad ng livestock, poultry, at dairy industry.

Aniya, mula sa baboy at manok, tinatayang 29.8% percent ang Filipino protein consumption.

Ayon sa senadora, hanggang sa ngaayon ay ‘di pa nakababangon ang hog industry mula sa epekto ng African Swine Fever (ASF) kung kayat kailangan itong tulungan.

Sa panig naman ng poultry sector kailangan ang sustainable inputs gaya ng feeds, gamot laban sa mga peste at mga sakit para sa mas efficient na sistema ng produksiyon.

Ang milk production naman ay nangangailangan ng suporta upang matugunan ang local demand, lalo na sa milk feeding programs sa ating mga paaralan at iba pang institusyon na nangangalaga sa ating mga bata.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble