Sen. Cynthia Villar, namigay ng disinfectant

Sen. Cynthia Villar, namigay ng disinfectant

ALINSUNOD sa kaniyang pangakong protektahan ang kalusugan at kaligtasan ng mga mag-aaral, guro, opisyal, at kawani ng paaralan, namahagi si Sen. Cynthia A. Villar ng Lysol Disinfectant sa pitong public schools sa Las Piñas.

Igniit niya ang kahalagahan ng kalinisan na higit nating natutunan noong COVID-19 pandemic.

Donasyon ng Reckitt Benckiser-Philippines ang Lysol na bahagi ng kanilang “Disinfect to Protect” campaign.

Kasama sa larawan ang mga opisyales ng Reckitt Benckiser-Philippines na sina General Manager Sachin Budhraja; Government Affairs Manager, Atty. Diana Mari; Regulatory and Safety Director-Alfred So; at mga opisyales ng paaralang tumanggap ng benepisyo.

Follow SMNI NEWS on Twitter