KINILALA ni Sen. Cynthia Villar ang kritikal na papel ng kababaihan sa law enforcement.
Sa isang forum kasama ang mga kababaihang pulis, sinabi ng senador na nagbibigay ang mga ito ng bagong pananaw at mahalagang expertise, kaakibat ang kakaibang compassion para sa kaunlaran at pagiging epektibo ng law enforcement.
Sinabi niya na madalas makatulong ang payapang pakikipag-usap ng kababaihan sa paglutas sa anumang hamon.
“The understanding and care they bring to incidents involving violence against women and children are invaluable. Beyond their day-to-day duties, our police women serve as inspiration, breaking stereotypes and encouraging more female to join the police force,” sabi pa ni Villar.
Sinabi rin niya na nakabubuti sa pagganap ng tungkulin ng PNP ang pinagsanib na puwersa ng mga kababaihan at kalalakihan sa serbisyo.
“Clearly, women are key to PNP’s ongoing efforts to improve law enforcement throughout the country,” aniya.
Binanggit din nito na tinatanggal ng babaeng police officers ang mga hadlang sa gawaing dating lalaki lamang ang gumagawa.
“Women are leading police stations, spearheading drug enforcement units, and acting as public,” ayon pa kay Villar.
Sa 17 police regional offices, 14 na information officers ay babae.
Bagama’t nagpapakita ang ating policewomen ng katatagan, marami pa rin silang hinaharap na hamon.
“They are breaking through gender stereotypes in a male-dominated profession and striving for more representation in leadership,” sabi rin ni Villar.
Base sa rekord, noong December 2023, may 41,780 policewomen na 18.32% ng 228,000- member police force.
Sa bilang na ito, 2,978 ang commissioned officers samantalang 38,802 ang non-commissioned officers.