IBINAHAGI ni Sen. Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na binawi ng Philippine National Police (PNP) ang kaniyang security detail.
Naging aware lamang aniya siya nito nang dumating siya sa Davao nitong Marso 24, 2025.
Sa panig ng PNP, wala anilang katotohanan ito. Samantala, nilinaw niya namang wala siyang nakikitang masama kung sila ay binawi at nauunawaan niya ang mga awtoridad sa Davao na nag-iingat upang maiwasan ang anumang problema.
Hindi rin nagiging limitado ang kaniyang mga galaw at patuloy siyang namamasyal para sa kaniyang kampanya.
Follow SMNI News on Rumble