Sen. Dela Rosa, may komento sa mga taga-Kamara na nais na papasukin ang ICC sa bansa

Sen. Dela Rosa, may komento sa mga taga-Kamara na nais na papasukin ang ICC sa bansa

MAAARING paraan ng ilang mambabatas sa Kamara ang paghahain ng resolusyong humihikayat sa pamahalaan na papasukin at payagang mag-imbestiga ang International Criminal Court (ICC) sa bansa upang mapatahimik ang mga Duterte.

Ito’y matapos idamay ng ICC si Vice President Sara Duterte sa imbestigasyon ng war on drugs ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kadahilanang ito ang alkalde noon ng Davao City.

Ayon pa kay Sen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa, umabot ng isa at kalahating taon bago naihain ang naturang resolusyon sa Kamara.

Kuwestiyunable aniya ang timing ng resolusyon dahil sumabay ito sa hindi pagkakaintindihan ng ilang taga-Kamara at ng mag-amang Duterte.

Kaugnay naman sa umano’y planong muling magpapa-miyembro ang Pilipinas sa ICC, binigyang-diin ng senador na hindi ito agad mangyayari.

Ani Dela Rosa, hindi rin aniya ibig-sabihin na sakaling makabalik bilang miyembro ng ICC ay pahihintulutan na ng Pilipinas ang ICC na magsagawa ng imbestigasyon sa bansa.

Matatandaan na nagpahayag si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na hindi tama na mag-imbestiga ang ICC sa Pilipinas dahil gumagana naman aniya ang justice system ng bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble