PINABULAANAN ni Senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa ang mga akusasyon na binayaran siya ni Negros Oriental 3rd District Rep. Arnie Teves, Jr.
Si Dela Rosa ang chairman ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na nanguna ngayon sa imbestigasyon sa Degamo Slay case.
Binigyang-diin ni Dela Rosa na hindi siya tuta ni Teves at hindi siya mababayaran ng kongresista kahit gaano pa ito kayaman.
Pinabulaanan din ng senador ang mga alegasyon na ang kaniyang asawa ay may kaugnayan sa Teves family.
Ipinaliwanag ni Bato na ang kaniyang asawa ay mayroong tiyahin na pinsan ng nanay nito na nakapag-asawa ng isang Teves sa Dumaguete.
Pero nilinaw na ang naturang Teves ay walang kaugnayan o relasyon sa pamilya ni Arnie Teves.