NAGPOSITIBO sa COVID-19 si Senador Sherwin Gatchalian.
Sa twitter post, sinabi ni Gatchalian na sa kasalukuyan ay nakararanas siya ng mild symptoms at nakasailalim sa naka-self quarantine.
Hinimok naman ng senador ang publiko na agad magpaturok ng booster shots.
Kahapon, nakapagtala ang pilipinas ng 17,220 na bagong kaso ng COVID-19 kung kaya’y umabot na sa 2,888,917 ang total cases sa bansa.