KINAKAILANGAN ng mga paaralan na maghanda kontra Mpox lalo na at nalalapit na ang pagbubukas ng School Year 2025-2026.
Ilan sa hakbang ayon kay Sen. Sherwin Gatchalian upang malabanan ang virus ay ang tamang paghuhugas ng kamay at regular na pag-disinfect ng mga silid-aralan.
Hinimok din niya ang mga paaralan na bantayan ang kalusugan ng mga guro at kawani at makipag-ugnayan sa mga health facility kung may nararamdamang sintomas.
Bilang bahagi ng mas malawak na hakbang sa kalusugan, isinusulong ni Gatchalian ang Senate Bill No. 1869 na naglalayong itatag ang Philippine Center for Disease Prevention and Control para sa mas epektibong pagtugon sa mga banta sa kalusugan.