Sen. Gatchalian siningil ang DICT sa libreng Wi-Fi sa mga pampublikong paaralan

Sen. Gatchalian siningil ang DICT sa libreng Wi-Fi sa mga pampublikong paaralan

SA deliberasyon ng Senado sa panukalang 2023 budget ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ay pinuna ng ni Senador Win Gatchalian ang mabagal na pagpatutupad ng Republic Act No. 10929 o ang Free Internet Access in Public Places Act.

Sa nasabing batas, libre dapat ang Wi-Fi sa mga pampublikong paaralan, mga alternative learning system centers, state universities and colleges, Technical Education and Skills Authority (TESDA), technology institutions, at iba pa.

Pero sa kanyang ginawang interpelation ay kinuwestiyon ni Sen. Gatchlian kung bakit 5 taon matapos maisabatas ang libreng Wi-Fi ay nasa 1.8 percent lamang sa mga public schools ang may access dito at 50 percent ng may libreng Wi-Fi ay nasa Metro Manila lamang.

Hinimok din ni Gatchalian ang kagawaran na tiyaking maaabot nito ang itinakdang target sa paglalagay ng libreng internet sa mga pampublikong lugar, kabilang na ang mga paaralan.

Ayon sa naitala noong Setyembre 2, 2022 ng Free Public Wi-Fi Dashboard, 860 lamang sa 47,421 na mga pampublikong paaralan sa bansa ang may libreng Wi-Fi.

Batay rin sa Free Public Wi-Fi Dashboard, patuloy rin ang pagbaba ng bilang ng mga pampublikong paaralan na may libreng Wi-Fi.

Oktubre 2021 ay nasa 1,190 o 2.5 porsyento ng mga pampublikong paaralan ang may libreng Wi-Fi ngunit bumaba ito sa 945 noong Enero 2022.

Ayon kay Senadora Grace Poe, ang nagdipensa sa budget ng DICT, ang mahal na singil sa internet at hindi maasahang consisitency ang dahilan sa mabagal na pagpatutupad ng programa.

 “It’s the affordability of the internet in the country which is still high that is why our ranking is low, it’s the consistency that is slow why it is not reliable though the speed has gone a little bit better. Now we will hold into account the DICT to follow-up in rolling up in meeting their targets. Kasi initially ang target nila is 6,000 eh,” ayon kay Senadora Grace Poe.

Kunuwestiyon din ni Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Basic Education, kung paano nasolusyunan ang hamon ng digital divide, lalo na noong ipatupad ang distance learning kung saan kinailangan ang maayos at mabilis na internet.

Ayon sa isang survey ng World Bank noong 2021, 40 porsyento lamang ng pamilyang Pilipino ang may access sa internet.

Sa proposed 2023 national budget, P2.5-B ang nakalaan para sa libreng Wi-Fi.

Kaugnay nito ay hinikayat ni Gatchalian ang ahensya na magkaroon ng target para maging mas malinaw ang direksyon ng programa.

Sa ngayon ay pinarerepaso ni Gatchalian sa Senado ang batas na nagbibigay ng libreng Wi-Fi sa mga pampublikong lugar.

 

 

Follow SMNI News on Twitter