Sen. Go depensahan ang sarili vs pagdawit sa kaniya sa POGO

Sen. Go depensahan ang sarili vs pagdawit sa kaniya sa POGO

PARTE na naman ito ng sarsuelang niluluto ng ilan upang mamulitika at manira — pilit na nag-iimbento ng istorya na lilinya sa narrative nila upang pinturahan kami ng itim at sila ang pumuti!

Si Jovie Espenido na mismo ang umamin noong hearing sa HOR na wala siyang direktang impormasyon o ebidensiya na makapagsasabi na may kaugnayan ako sa anumang POGO-drug war links. In other words, hearsay lamang ang isinaad niya kaya nakapagtataka kung bakit naging parte pa ng kaniyang affidavit ang aking pangalan.

I can categorically say, kailanman ay wala akong kinalaman sa anumang POGO at sa sinasabi niyang reward system sa drug war.

When I was still the Special Assistant to the President, I NEVER handled any funds related to the drug war and most especially anything from POGO. More so when I became senator in 2019. Kailanman ay hindi ako humahawak o tumatanggap ng pondo o pera mula sa iba. Alam ng mga kasamahan ko sa trabaho ‘yan.

Sa totoo lang, hindi naman konektado ang POGO sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. May pilit lang talagang ipinapasok ang narrative ng POGO sa drug war. Kung matatandaan, kampanya na ni FPRRD na sugpuin ang ilegal na droga simula pa ng termino niya nung 2016. Hindi pa naman uso ang POGO noon. Again, POGO has nothing to do with FPRRD’s governance and administration.

Gayunpaman, buo ang suporta ni FPRRD at ng kaniyang administrasyon sa ating kapulisan. Anumang support ang ibinigay sa pulis noon ay mula sa mga lehitimong pondo at programa ng gobyerno na naaayon sa batas. Definitely, hindi galing sa POGO!

Ako rin mismo, bilang Vice Chair ng Senate Committee on Public Order, ay nagsabi na noon pa na ayaw ko sa POGO lalo na kung nakakasama ito sa peace and order ng bansa. Ang prayoridad ko ay ang buhay at seguridad ng mga Pilipino.

Iisa lang naman ang layunin ng laban kontra droga: ito ay upang proteksiyunan ang buhay at kinabukasan ng ating mga anak!

Huwag na sana nilang piliting iugnay sa akin ang mga bagay na wala namang katotohanan. Malisyoso ito at paninirang puri. At hindi ako mag-aalinlangan na gawin ang anumang legal na hakbang laban sa mga nangdadawit sa akin upang protektahan ang aking pangalan.

Paalala rin sana sa aking mga kapwa mambabatas na maging mapanuri sa kanilang imbestigasyon. Parte ng tungkulin natin na alamin ang katotohanan at gumawa ng mga batas na poprotekta sa karapatan ng bawat Pilipino — hindi para manira o mangdawit ng pangalan ng ibang tao base sa tsismis lamang.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble