MULING inihirit ni Sen. Bong Go na ipasa na ang panukalang pagtatayo ng Department of Disaster Resilience sa ilalim ng Senate Bill No. 188.
Kasunod ito sa pinsalang naidulot ng kasalukuyang Bagyong Paeng sa imprastraktura ng bansa at ang medyo mataas na naitatalang nasawi.
Hudyat na aniya ito na napapanahon nang gawing mas disaster-resilient ang Pilipinas.
Sa kanya pang panawagan na nakapaloob sa Senate Bill No. 193 o ang Mandatory Evacuation Center Act of 2022, ninanais niyang magkaroon ng malinis at ligtas na evacuation centers sa bawat bayan, lungsod at probinsya.
Sa ngayon ay humigit kumulang 80 na ang nasawi dahil sa Bagyong Paeng.