Sen. Go nanawagan sa BFP na palakasin ang kampanya kontra sunog

Sen. Go nanawagan sa BFP na palakasin ang kampanya kontra sunog

ILANG araw bago ang buwan ng Marso ay nanawagan si Sen. Bong Go sa Bureau of Fire Protection (BFP) na palakasin ang kampanya kontra sa sunog.

Sa isang interview sa lungsod ng Maynila ay ipinunto ni Go na mahalaga ang information dissemination upang may alam ang ating mga kababayan at makaiwas sa insidente ng sunog.

Sa buwan ng Marso na umpisa ng panahon ng tag-init ay madalas naitatala ang pinakamaraming insidente ng sunog.

“Nakikiusap po ako sa mga kababayan natin, ingat. Bantayan natin ang mga bata, ‘wag po nating iwan jan. At ‘yung iligal na pag tap ng kuryente delikado po ‘yun. Sumunod tayo sa paalala,” pahayag ni Sen. Bong Go.

Araw ng Martes ay pinangunahan ni Sen. Go ang pamamahagi ng tulong, partikular na ang mga nasunugan sa Manila Port Area, Baseco, at Addition Hills sa Mandaluyong.

Kabilang sa pinamigay ni Go ay mga pagkain at mga mahahalagang kagamitan.

Kasama rin ni Go sa nasabing event ang mga tauhan ng National Housing Authority na namahagi ng cash assistance.

“So tatlo po ‘yung sunog na nadalhan ng Malasakit Team ngayong araw. … Hndi nabibili ang buhay,” ani Sen. Bong Go.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble