Sen. Go, nanawagan sa China na ‘wag mang-api

Sen. Go, nanawagan sa China na ‘wag mang-api

NANAWAGAN si Senator Christopher “Bong” Go sa China na ‘wag mang-api sa Pilipinas sa kabila ng lumalalang tensyon sa West Philippine Sea (WPS).

Ito ay kasunod ng ginawang panunutok ng military-grade laser ng Chinese Coast Guard sa barko ng Philippine Coast Guard na BRP Malapascua sa Ayungin Shoal kamakailan.

Paliwanag ni Go sa isang media interview na bagama’t maliit lamang na bansa ang Pilipinas kumpara sa China ay kilala naman ang mga Pilipino na hindi umaatras para ipaglaban ang sariling karapatan.

‘’Ako naman po gaya ng stand ng ating Pangulong Duterte, kung ano po ang atin ay atin, what is ours is ours, at dapat po ipaglaban natin kung ano ang atin. Kahit maliit lang tayo na bansa, huwag naman sana tayong apihin dahil kilala ang mga Pilipino na matatapang, lumalaban, at ipinaglalaban ang ating karapatan,’’ saad ni Sen. Go.

Pero sa kabila nito ay nanawagan din si Go sa China at sa gobyerno ng Pilipinas na resolbahin ang tension sa West Philippine Sea sa mapayapang paraan.

Samantala, ngayong Araw ng mga Puso ay personal na dumalo si Sen. Go sa daan-daan nating kababayan sa Dasmarñas, Cavite na nagpalitan ng kanilang mga matatamis na “I do”.

Ang kanilang pag-iisang dibdib ay sinaksihan ni Go bilang ninong ng mass wedding kung saan namigay siya ng mga grocery items at vitamins at nagparaffle ng bisekleta at cellphone.

‘’Nakakatuwa po dahil sa Araw ng mga Puso dinadaos ang pagkakasal sa kanila, mahalin nila ang kanilang asawa na may totong pagmamahal,’’ ayon kay Sen. Go.

Follow SMNI NEWS in Twitter