NANANAWAGAN si Senador Bong Go sa publiko na maging kalmado lang kaugnay sa lumalabas sa social media na Humanmetapneumo virus (HMPV).
Ayon kay Go imbes na magpanic sa kung ano ang trending sa social media ay dapat maging upadated sa issue sa kalusugan na ilalabas ng mga pinagkakatiwalaang ahensya ng pamahalaan tulad ng Department of Health.
Nilinaw ni Go na ang mga napapabalitang outbreak ng respiratory disease ay una nang itinanggi at tinawag na walang basehan ng embahada ng China.
Sinabi ni Go na dapat tiyakin na nagmumula sa mga maasahang sources ang anumang impormasyon na paniniwalaan.
Kaugnay nito ay una na ring tiniyak ng DOH na gumagana ang disease surveilance system ng bansa.