Sen. Grace Poe, nanawagan na solusyonan ang reklamo ng mga commuter

Sen. Grace Poe, nanawagan na solusyonan ang reklamo ng mga commuter

NANAWAGAN si Senator Grace Poe sa mga bus operator at kay Transportation Secretary Arthur Tugade na solusyonan ang reklamo ng mga commuter.

Ayon kay Poe, hindi dapat maghirap ang mga commuter dahil sa kakulangan ng transportasyon at mahahabang pila.

Ani Poe bilang Senate Public Services Committee Chair, huwag naman sanang ipitin at pahirapan ang mga commuter sa pag-aabang, pagbabakasakali at pagpapalipat-lipat ng masasakyan.

Nanawagan din si Poe kay Tugade na siguraduhing masolusyonan ang mga pasahero na nakikipagsiksikan at pakikipagsapalaran sa pagko-commute na maaari ring makapahamak.

Matatandaan na naunang nagpatupad ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng window hours scheme para sa mga provincial buses mula 10 ng gabi hanggang 5 ng madaling araw kung saan maaaring maghatid ang mga ito ng kanilang mga pasahero sa kanilang pribadong terminals.

Ngunit sa halip na sundin ito ay hindi nag-ooperate ang mga bus operators sa ilalim ng nabanggit na oras na naging dahilan kung bakit na-stranded ang mga commuter.

Follow SMNI News on Twitter