Sen. Hontiveros, hindi sang-ayon sa karagdagang executive powers para sugpuin ang COVID-19 outbreak

HINDI pabor si Sen. Risa Hontiveros sa panukalang bigyan ng karagdagang executive powers ang pangulo para lutasin ang COVID-19 crisis sa bansa.

Aniya ito ay hindi kailangan kung pagbabasehan ang kasalukuyang kondisyon ng COVID-19 patients maging ng ilang mahihirap na mamamayan sa bansa.

Giit pa ni Hontiveros na ang agarang kailangan ng publiko ay ang mas malawak na testing laban sa COVID-19 at dagdag-pondo para sa pagkain, Personal Protective Equipment (PPE), at health facilities at hindi dagdag-kapangyarihan para sa pangulo.

Aniya, naibigay na ng gobyerno sa pangulo ang kapangyarihan at iba pang kailangan nito para masolusyanan ang COVID-19 outbreak.

Ito ay sa ilalim ng mandatory reporting of notifiable diseases at health events of public health concern act or republic act no. 11332, na si Hontiveros mismo ang author.

Samantala, suportado naman ng senador ang alokasyon sa supplemental budget para mapaigting pa ng gobyerno ang kanilang aksyon sa pagsugpo sa covid-19 sa bansa.

“I fully support the allocation of a supplemental budget to boost the government’s efforts to immediately contain the novel coronavirus outbreak. However, the proposed grant of additional powers to the executive branch are clearly unnecessary to address the most pressing needs of health workers, COVID-19 patients, and poor Filipinos alike in this critical period.” Ang tinig si Sen. Risa Hontiveros

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.