IBINUNYAG ni Senator Imee Marcos ang tila pananakot at harassment na nararanasan ng mga magsasaka na tumestigo sa mataas na presyo ng sibuyas.
Ito raw ay matapos ang pagtestigo ng mga ito sa pagdinig ng Senate Committee on Agriculture na ginawa nitong nakaraang araw.
Ayon kay Marcos, may mga pulis na biglaang kumatok sa mga bahay ng mga magsasaka ng sibuyas para sila ay papirmahin ng sinumpaang salaysay at baliktarin ang kanilang ibinunyag sa Senado.
Ang testigo ay tinukoy ni Marcos na si Nanay Merly at 5 beses daw itong pinuntahan ng mga pulis.
Sa kaniyang testimonya sa Senate hearing, sinabi niyang nagpakamatay ang kanyang asawa dahil sa pagkalubog sa utang matapos malugi sa bentahan ng tanim nilang sibuyas.