IMBESTIGAHAN ang mataas na presyo ng mga sibuyas sa pamilihan.
Ito ang nilalaman sa inihaing Senate Resolution No. 350 ni Senator Imee Marcos.
Aniya, kinakailangang matukoy ang sanhi at para matiyak na ang pag-aangkat ng sibuyas ay hindi nagdudulot ng malaking pinsala sa lokal na produksyon.
Dagdag pa nito, batay na rin sa pahayag ni Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), Rosendo So, posibleng nakipag-ugnayan na rin ang ilang opisyal ng Department of Agriculture (DA) sa mga trader upang manipulahin ang suplay ng sibuyas sa bansa.
Sa ngayon, nananatiling nasa 280-300 pesos bawat kilo ang presyo ng sibuyas.
Sa kabila ito sa inilabas na Administrative Circular No. 09 ng DA noong October 7 kung saan sinasabi rito na nasa 170 pesos bawat kilo lang ang SRP ng sibuyas sa Metro Manila.