Sen. Imee, namahagi ng ayuda sa lalawigan ng Cavite, bilang bahagi ng pagdiriwang ng kanyang kaarawan

Sen. Imee, namahagi ng ayuda sa lalawigan ng Cavite, bilang bahagi ng pagdiriwang ng kanyang kaarawan

NAMAHAGI ng tulong si Senadora Imee Marcos sa lalawigan ng Cavite bilang bahagi ng pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

Sa halip ng magarbong paghahanda mas pinili ng senadora ang ipagdiwang ang kanyang kaarawan sa pamamahagi ng tulong sa mga biktima na hinagupit ng Bagyong Paeng sa naturang lalawigan.

Unang tinungo ng senadora kamakailan ang Dasmariñas Cavite, General Trias, Noveleta at ang Cavite City na sinalubong ng mga biktima ng Bagyong Paeng.

Sa munisipalidad ng Noveleta sinalubong si Senadora Marcos ni Mayor Dino Reyes Chua sa kanyang pagtungo sa Noveleta Gym kung saan nakaabang na ang mga residenteng biktima ng Bagyong Paeng.

Sa pahayag ni Mayor Chua labis ang kanyang pasasalamat kay Senadora Imee dahil isa sa napili ng senadora na tulungan at puntahan ang kanilang bayan ng Noveleta.

Natutuwa naman ang mambabatas dahil kahit biktima ng kalamidad wala sa bakas sa mukha ng mga residente ang lungkot dahil masaya ang mga ito na sinalubong ng ngiti at hiyawan ang senadora.

Binigyan ng tig-P3K na tulong ni Marcos ang mga residente mula sa DSWD.

Matapos nito nagtungo naman ang senadora sa paaralan ng Noveleta na namahagi ng nutribun sa mga batang mag-aaral na inawitan pa ng ‘happy birthday’ ng mag-aaral.

Dagdag pa ng mambabatas na mas masaya siya na magbigay ng tulong sa kanyang kaarawan sa halip na siya ay maghanda nang bonggang-bongga.

Follow SMNI NEWS in Twitter