Sen. Jinggoy, nais mabigyan ng P1-K monthly hazard ang mga barangay tanod

Sen. Jinggoy, nais mabigyan ng P1-K monthly hazard ang mga barangay tanod

INIHAIN ni Senator Jinggoy Estrada ang isang panukalang batas na naglalayong mabigyan ng P1,000 na buwanang hazard pay ang mga barangay tanod.

Sa kasalukuyan ay nasa P600 lang ang natatanggap nila bawat buwan.

Ayon sa senador, nararapat na magkaroon ng incentive ang mga ito lalo na’t sila ang naatasan na magbantay sa kanilang barangay.

Sa panukalang batas ni Estrada, ang magiging initial funding para sa hazard pay ay manggagaling sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ang magiging funding naman para sa susunod na mga taon ay kukunin na aniya sa budget ng local government units (LGUs).

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble