Sen. JV Ejercito, pinarerepaso ang EPIRA Law

Sen. JV Ejercito, pinarerepaso ang EPIRA Law

NANANAWAGAN si Senator Joseph Victor ‘JV’ Ejercito na suriin ang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) dahil sa pagkabigo nitong maibaba ang halaga ng kuryente sa bansa.

Sa pagsapribado ng mga kompanya ng enerhiya, sinabi ng senador na nabigo ang batas na ito na isulong ang kompetisyon na inaasahan sanang magresulta sa pagbaba ng presyo na kuryente para sa lahat.

“The intention was really to encourage competition and bring down the prices of electricity. Ang nangyari po, natuloy po ang privatization ng NAPOCOR Power Plants, pati ng transmission. Ang ‘di lang natuloy ay ‘yung pagbaba ng presyo ng kuryente. Ang EPIRA, mukhang ipinera lang,” sabi ni Sen. Ejercito.

Isinabatas ang EPIRA noong 2011 sa layuning muling isaayos ang sektor ng enerhiya, i-deregulate at isapribado ang power industry.

Subalit ang malawakang power outages sa iba’t ibang bahagi ng bansa at ang mataas na presyo ng kuryente ay nag-udyok sa mga mambabatas na pag-aralan ang posibleng pag-amiyenda ng nasabing batas.

Maliban sa pag-rebyu ng EPIRA, sinabi ng senador mula sa San Juan na dapat suriin ng Kongreso at kaukulang ahensiya ng gobyerno ang performance ng mga kompanya ng enerhiya na nag-o-operate sa bansa.

Kabilang dito ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na siyang paksa ng kontrobersiya matapos madiskubre ng mga mambabatas na mahigit 40% ng kompanya ay pag-aari ng State Grid Corporation of China (SGCC).

“It’s about time that we consider review of EPIRA as a whole and likewise conduct a performance audit on the different entities, including the NGCP, whether they are performing up to PAR,” ayon kay Ejercito.

Aniya, napapanahon ang pagsuri sa performance ng NGCP sa gitna na patuloy na sigalot sa pagitan ng Pilipinas at China.

“It’s more than the performance. It’s a national security issue,” ani Ejercito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter