UMAASA si Senator JV Ejercito na maipapasa na 19th Congress ang Department of Disaster Resilience (DDR).
Naniniwala si Sen. JV na marami ang nagsusulong nito ngayon sa Senado at nabanggit na rin aniya ito ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Magugunitang, isang malaking dagok ang naranasan ng Metro Manila nang manalasa ang Bagyong Ondoy noong 2009.
Ayon kay Sen. JV, siya ay alkalde ng San Juan noong mga panahon na iyon at nakita niya ang kaliwa’t kanang pagtawag ng tulong ng mga tao.
Saad pa ni Sen. JV, noong siya ay naging senador ng 17th Congress, hindi niya ito masyadong nabigyan ng pansin dahil inuna niya ang Universal Health Care Law at ang paggawa ng Department of Human Settlements and Urban Development na ngayon ay naisabatas na.
Samantala, naniniwala si Sen. JV na mas mainam na magkaroon ng isang tunay na kagawaran na tututok lamang sa disaster management.
Dagdag pa ni Sen. JV, kailangan din ito dahil ang Pilipinas ay nasa Pacific Ring of Fire.