Sen. Koko Pimentel, humingi ng paumanhin sa MMC

SINSERONG humingi ng paumanhin si Senator Aquilino ‘Koko’ Pimentel III sa pamunuan ng Makati Medical Center (MMC) matapos nitong labagin ang safety protocol ng ospital patungkol sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Sa isang pahayag, sinabi ni Pimentel na hindi naman niya intensyon na ilagay sa kapahamakan ang sinuman sa naturang ospital.

Aniya, nalaman niya lang ang resulta ng kaniyang COVID-19 test ng siya ay nasa loob na ng MMC at agad naman nitong nilisan ang ospital.

Image may contain: text

Bukas naman aniya ang senador sa anumang gustong mangyari ng Makati Medical Center.

Nakikiusap din si Pimentel sa pang-unawa ng publiko at hayaan muna siyang maka-recover sa COVID-19.

Matatandaang nitong nakaraang Martes, Marso 24 nang samahan ni Koko ang kaniyang asawa sa MMC na nakatakdang manganak.

Leave a Reply

Your email address will not be published.