Sen. Koko Pimentel nananawagan sa economic managers ng gobyerno na solusyunan ang lumalalang inflation sa bansa

Sen. Koko Pimentel nananawagan sa economic managers ng gobyerno na solusyunan ang lumalalang inflation sa bansa

NANAWAGAN si Senate Minority leader Aquilino Pimentel III sa mga economic managers ng bansa na agarang solusyunan ang lumalalang inflation sa bansa na umakyat sa 8.7% noong Enero 2023, ang pinakamataas na naitala mula Nobyembre taong 2008.

Kasabay nito ay naghayag rin si Pimentel ng pagkadismaya sa kawalan ng mga konkretong plano ng economic managers at mabilis na pagtugon sa inflation at matulungan ang milyun-milyong Pilipino na patuloy na bumababa ang kapangyarihan sa pagbili.

“We have seen the first symptoms of worsening inflation with the sugar crisis in the second half of 2022 followed by the onion crisis in the last quarter. These should have behooved our economic managers including the agriculture sector to look closely at agricultural production and food supply augmentation,” ani Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III.

Sa isang pahayag ipinaalala ng senador na una nang naramdaman ng mga Pilipino ang krisis sa asukal sa nakaraang taon na nasundan naman ng krisis sa sibuyas.

Binigyang-diin ng PDP Laban chairman at chief fiscalizer ng Senado na kung maglalagay lamang ang gobyerno ng mga hakbang upang subaybayan at palakasin ang produksyon ng agrikultura at bigyan ng kapangyarihan ang mga maliliit na magsasaka at prodyuser ng pagkain, hindi aabot sa 11.2% ang inflation ng pagkain na nasa 1.6% lamang noong sa nakaraang taon.

“We have known for a long time that there is a gap between our farmers and the market, and the middlemen that usually connect the two earn so much, leaving our farmers shortchanged, but what exactly are the concrete steps we are doing to change this,” saad ni Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III.

Ipinunto ni Koko na matagal ng may gap sa pagitan ng mga magsasaka at palengke na sinasamantala naman ng mga traders o middleman pero wala aniyang ginagawa ang gobyerno.

“For the bottom 30% income households, the inflation rate equates to 9.7%. It is disheartening that the poorest in our nation suffer the hardest as prices of essential commodities continue to rise and our government seems to just watch prices fluctuate,” dagdag ni Sen. Aquilino “Koko” Pimentel.

Maliban sa sinapit ng mga magsasaka, ipinunto rin ng senador na tumanggap lamang ng kakarampot na karagdagang 33 pesos ang mga minimum wage earners mula sa buwan ng Hunyo ng nakaraang taon.

“There are so many pressing issues that need more of our attention and efforts, we should be prioritizing these especially matters that concern the ordinary and marginalized Filipinos,” paliwanag ni Sen. Aquilino “Koko” Pimentel.

Sinabi ni Pimentel na “sa halip na tutukan ang Maharlika Investment Fund, ay dapat pagtuunan ng pansin ang malubhang problema ng inflation.

Follow SMNI NEWS in Twitter