HINIMOK ng independent presidential candidate na si Senator Panfilo “Ping” Lacson ang Senado na aksyunan ang pagsuspinde ng fuel subsidy sa mga operator at driver ng Public Utility Vehicle (PUV).
Ayon kay Lacson, ang fuel subsidy ay isang “call of the times” dahil ang patuloy na pagtaas ng presyo ng langis ay sobrang nakaaapekto sa sektor ng transportasyon, gayundin ang mga mangingisda at magsasaka.
Dagdag pa ni Lacson, dapat aksyunan ng Senado ang isyu sa pamamagitan ng pagsasagawa ng oversight function nito at pagtatanong sa batayan ng mga implementing agencies sa pagsuspinde ng fuel subsidy.
Ipinunto pa ng senador na nakasaad sa General Appropriations Act na ang gobyerno ay may mandato na magbigay ng subsidiya sa mga apektadong sektor.
BASAHIN: Senator Lacson, nabuhayan pagkatapos umalis sa Partido Reporma