Sen. Lacson, nagpositibo na rin sa COVID-19

Sen. Lacson, nagpositibo na rin sa COVID-19

INANUNSYO mismo ni Senator and Presidential aspirant Panfilo “Ping” Lacson na nagpositibo ito sa  COVID-19 ngayong araw.

Sa kanyang personal na twitter account, sinabi ni Lacson na sumailalim ito sa RT-PCR noong Martes at dumating ang resulta noong Huwebes.

Ayon kay Lacson, agad niyang ipinaalam sa lahat ng kanyang naging physical contacts ang kanyang resulta upang makapag-ingat na rin ang mga ito.

Bukod kay Lacson, nauna na ring inanunsyo ni Senator Sherwin Gatchalian na nagpositibo ito sa COVID-19 at kasalukuyan na ring naka self-quarantine.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.