Sen. Lacson, pinauubaya sa CA ang pagkilatis sa tatlong incoming Comelec officials

Sen. Lacson, pinauubaya sa CA ang pagkilatis sa tatlong incoming Comelec officials

PINAUBAYA ni Senator Panfilo Lacson sa CA ang pagkilatis sa tatlong incoming Commision on Elections (Comelec) officials.

Nagalabas ng pahayag si Senador Lacson kaugnay sa pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ng tatlong matataas na opisyal sa Commision on Elections bago ang halalan.

Hindi mapigilan na maglabas ng pahayag si Lacson kaugnay sa nalalapit na pagre-retire ng tatlong matataas na opisyal ng Comelec.

Sa inilabas na pahayag sa media, tila dismayado si Lacson sa kapangyarihan na ipinagkaloob ng saligang batas na mag-appoint ng Commissioners sa Comelec si Pangulong Rodrigo Duterte bago ang halalan sa Mayo.

‘’Unfortunately, our Constitution gives the President the sole power to appoint the commissioners of the Commission on Elections,’’ayon kay Sen. Lacson

Bago ang eleksyon ay inaasahan na mapapalitan sina Comelec Chair Sheriff Abas, Comm. Rowena Guanzon at Comm. Antonio Kho Jr.

‘’That said, the appointees are subject to the confirmation of Congress through the Commission on Appointments, where the voice of the people may be represented as “oppositors,” aimed at possible rejection of the appointees of nominees,’’saad ni Lacson.

Matatandaan na si Guanzon ang natitirang comissioner na appointee ni Dating Pangulong Benigno Aquino III, habang ang iba ay itinalaga na ni Pangulong Duterte.

Sa kabila nito tiwala si Lacson na ang itatalaga ng pangulo na kapalit ng mga magreretiro ay dadaan sa Commission on Appointments (CA) na maaaring magbigay boses sa ating mga kababayan na posibleng mauwi sa rejection ng mga appointees.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.