Sen. Lapid, namahagi ng relief goods sa mga nasunugan sa Sta. Cruz, Manila

Sen. Lapid, namahagi ng relief goods sa mga nasunugan sa Sta. Cruz, Manila

NASA 522 pamilyang nasunugan sa Sta. Cruz, Maynila ang nabigyan ng family food packs na ipinamahagi ni Sen. Lito Lapid nitong Lunes, Disyembre 9.

Sa kaniyang mensahe, nagpaabot si Sen. Lapid ng pakikisimpatiya sa mga kababayan nating naabo ang mga bahay at nawalan ng kabuhayan.

Nagpasalamat naman ang mga benepisyaryo sa natanggap nilang relief goods na umano’y malaking tulong na sa pangangailangan ng kanilang pamilya.

Bukod sa family food packs, nagpakain din ng mainit at masustansiyang lugaw (may manok at itlog) ang Team Lingkod Lapid katuwang ang isang istasyon ng radyo sa mga kabataan at mga matatanda sa evacuation center.

Pansamantalang naninirahan sa loob ng Brgy. 310 covered court ang mga biktima ng sunog kamakailan, na katabi lang ng Manila City Jail.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble