Sen. Lito Lapid, nagpaabot ng maalab na pagbati ng Happy Valentine’s Day sa mga Batangueño

Sen. Lito Lapid, nagpaabot ng maalab na pagbati ng Happy Valentine’s Day sa mga Batangueño

NAGPAABOT ng maalab na pagbati ng Happy Valentine’s Day si Supremo Sen. Lito Lapid sa mga Batangueño nitong Lunes, dalawang araw bago ang pagdiriwang ng Araw ng mga Puso.

Ito’y matapos pangunahan ang payout ng Tulong Panghanapbuhay sa ating Displaced/Disadvantage Workers (TUPAD) ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa bayan ng San Juan at Padre Garcia ngayong Lunes ng umaga, Pebrero 12.

Nabiyayaan ang nasa 338 benepisyaryo na nagtrabaho sa loob ng dalawang linggo sa kani-kanilang bayan.

Todo pasalamat naman ang mga benepisyaryo kay Sen. Lapid.

Nagbiro naman ang senador sa mga Batanguena na available aniya siya maging ka-date nila sa Valentine’s Day.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble