Sen. Lito Lapid, namahagi ng tulong sa mga residente ng La Trinidad, Benguet

Sen. Lito Lapid, namahagi ng tulong sa mga residente ng La Trinidad, Benguet

LUBOS ang pasasalamat ng mga residente ng La Trinidad, Benguet matapos personal na tumungo si Sen. Lito Lapid sa lugar upang mamahagi ng tulong sa mga cancer patient at nagda-dialysis sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng pamahalaan.

Pinangunahan nina Sen. Lapid, Cong. Eric Go Yap at La Trinidad, Benguet Mayor Romeo Salda ang pamamahagi ng AICS program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga cancer patient at nagda-dialysis sa lugar.

Tiniyak ng mga ito na natatanggap ng mga cancer patient beneficiary ang kinakailangang tulong at suporta sa pamahalaan na may tunay na dedikasyon at inisiip ang kapakanan ng komunidad.

“We need your cooperation and participation, kung mayroon sa inyong hindi nailista, tuluy-tuloy naman ito, ang usapan namin nila congressman at senator na tuluy-tuloy ito, every year. So, kung may iba sa inyo na hindi nailista, please be patient at kayo naman ang susunod na mailalagay din sa listahan. Thank you at God bless sa ating lahat,” ayon kay Mayor Romeo Salda, La Trinidad, Benguet.

Kaugnay rito, lubos din ang pasasalamat ni Cong. Yap kay Sen. Lapid dahil hindi umano ito ang unang tulong ng senador sa mga residente ng lalawigan ng Benguet.

Sa katunayan aniya, taong 2020 pa lang ay tumutulong na ang senador sa mga residente ng lugar.

“Year 2020 pa lang naging caretaker na ako, lagi na ‘yan nagpapadala sa amin ng MAIP (Medical Assistance for Indigent Patients (MAIP)), ng AICS, ng TUPAD so, hindi lang si Senator (Lapid) pumupunta dito dahil maraming trabaho pero nagbibigay ng tulong. So hindi  ito ang una na tulong na ibinigay niya dito sa Benguet.  Ito isa sa pinakamaraming tulong at meron pa ‘yang sunod-sunod ‘yan.”

“Mapagbigay ‘yan lalong-lalo na kapag may kailangan, hindi mag-aatubili ‘yan lalong-lalo na ‘pag may mga nangangailangan na walang pambayad ng hospital, walang pambili ng gamot, bubunot at bubunot ‘yan, kung wala man ang DSWD, galing sa wallet niya ang pera ang ibibigay niya ganyan po ang kilala kong Senator Lito Lapid,” ayon kay Cong. Eric Go Yap, ACT-CIS Party-list.

Tiniyak naman ni Lapid na patuloy ang pamamahagi nito ng tulong partikular sa mga mahihirap na residente sa lugar sa anumang paraan.

“Kung anong pag-uusapan para makatulong dito sa bayan ng Benguet ay tutulong at tutulong kami mapa-hospital man ‘yan, financial man ‘yan o pagkain man ‘yan, makatulong lang kami sa inyo. Kaya po kami ay hindi magsasawang tutulong sa inyo lalong-lalo na ‘yung ating mga kababayan na mahihirap kaya kami po babalik-balik kami dito kung ano pa ‘yung magagawa naming tulong, ibibigay namin sa inyo,” ayon kay Sen. Manuel “Lito” Lapid.

Sa kabilang banda, tumulak din ang senador sa bagsakan ng gulay sa La Trinidad Trading Post upang tingnan ang sitwasyon ng mga tindera ng gulay at mga magsasaka sa lugar.

Kung saan isa sa prayoridad ng senador at ni Yap na mawakasan na ang ginagawang panlalamang ng mga smuggler sa ating mga magsasaka at kinakailangan aniyang maipakulong ang mga ito.

Kapag naipakulong ko na silang lahat magiging mapayapa na ang buhay ko, pero hangga’t hindi po nauubos ang mga smuggler ng gulay, talagang hindi tayo titigil sa kaka-kalampag. Alam naman natin ang mga smuggler, kapag tahimik ang tubig, talagang titira at titira ‘yan ng smuggling pero kapag maingay, may inquiry, titigil ‘yan at magpapalamig pero kung gagawin natin na continues, continues ‘yung inquiry natin, ‘yung pagsusugpo sa mga smuggler, talagang titigil at titigil ‘yan hanggang sa mawala na sila,” dagdag ni Yap.

 Samantala, patuloy naman ang pagsusulong nito ng panukalang-batas upang maipakulong ang mga smuggler.

Naniniwala naman si Yap na gaya niya ay hindi rin papayag si Deparment of Justice (DOJ) Sec. Jesus Crispin “Boying” Remulla na hindi maikulong ang mga smuggler.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter