MULING ipinaliwanag ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile sa kanyang programang Dito sa Bayan ni Juan sa SMNI nitong weekend kung paano nagkukubli ang mga komunista para itago ang kanilang layuning pabagsakin ang gobyerno.
Tugon ito sa ginawang pagtatanggol ni Senator Loren Legarda sa ideolohiya ng CPP-NPA-NDF.
Nagtataka naman si Mang Juan kung bakit kumakampi sa mga makakaliwa si Legarda.
Diin ng kalihim na matinong tao noon si Loren ngunit nag-iba na ngayon.
Duda naman ni Sec. Enrile na may ibang pangarap si Legarda na posisyon.
Prinangka naman ni Enrile si Legarda na dating kasama niya sa Senado.