NAGPAHAYAG ng suporta para kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Sen. Mark Villar.
Sa kaniyang Facebook post, ibinahagi niya na naranasan niyang tinawagan ni FPRRD noon at sinabing kailangan nilang tulungan ang ama ng isang batang cancer patient.
Ang ama ng bata ay isang engineer na nawalan ng trabaho at nahihirapan na sa pinansiyal dahil sa sitwasyon ng kaniyang anak.
Para kay Villar, ito ang hindi malilimutan niyang ginawa ni FPRRD at nagpapakita lang aniya ito sa napakalaking puso ng dating pangulo sa mga Pilipino.
Si Mark Villar ay nagsilbing kalihim noon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilalim ng Duterte administration.
Follow SMNI News on Rumble